January 22, 2025

PSSLAI vs. PNP Proxy form

Ang ilang officer at board members ng Public Safety Savings and Loan Association Inc. (PSSLAI) matapos umano harassin ng mga pulis na nagpumilit umanong magpasok ng mga dokumento sa loob ng kanilang opisina sa may Cubao-EDSA, ngayong Biyernes (March 19) ang ilang officer at board members ng Public Safety Savings and Loan Association Inc.

UPDATE: PSSLAI Advisory

In view of the implementation of the approved CAAD Resolution No. 01-2021 dated March 27, 2021, Recommending the Declaration of the Nullity of the Accreditation and Memorandum of Agreement dated January 3, 2020, between the PSSLAI and PNP in the Automatic Salary and Pension Deduction Scheme (ASPDS), All PNP personnel with the outstanding loan are advised to coordinate with the nearest PSSLAI branch and settle their monthly amortization thru over-the-counter payment scheme or other schemes that PSSLAI offers to avoid penalties and/or surcharges. For guidance and widest dissemination.

“Kanina kasi bandang 4:30 pauwi ang mga tao, pasara na ang mga opisina namin. May dumating dito na isang truck, it appears na ang mga laman ay mga boxes. Tapos may dumating na police officers because they want to forcefully bring the boxes inside in the property of PSSLAI. Of course, ang sabi namin hindi,” pahayag ni Atty. Maricor Juanico, PSSLAI Public Relations Officer.

PNP proxy form
Photo: Proxy form

“Simple lang, power grab,” sabi ni Atty. Juanico.

“Iyon lang talaga iyan. Just because they are in the position they think they can do, they can unseat our board of trustees. Itong boxes na ito ang laman niyan proxy forms kasi nagtatawag sila ng special election and doon sa special election na iyon they want to elect a new set of board of trustees.”

May “inter-corporate dispute” pa sila na inaayos sa loob matapos umano maghain ang petition ang PNP officers na members nila para magsagawa ng special elections, hindi aniya pinayagan ng PSSLAI na ipasok ang mga dokumento.

Ang PSSLAI ay isang private company na nagbibigay ng serbisyo sa uniformed personnel gaya ng PNP, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Fire Protection (BFP) kung gusto nila mag-ipon at mag-avail ng loans. Ang nilago at kinikita ng kompanya ay malaki aniya, kaya maraming nagkaka-interes dito.

Dagdag pa ni Atty. Juanico “Bakit sila interesado sa PSSLAI? Because for 17 years ang ating current board of trustees and management they were able to make this company grow from P54 million capital to P57-plus-billion asset, so this is a fast-growing company.”

Tumanggi magpaunlak ng panayam ang mga pulis na nasa labas ng PSSLAI office, pero kinumpirma ng isa sa kanila na ayaw magbigay ng pangalan na pasado alas-4 sila ng hapon dumating para ipasok ang proxy forms.

Ang mga kahon-kahon na dokumento, tinakpan muna ng mga pulis ng trapal sa ngayon, habang nakabantay sarado pa rin sa labas ng PSSLAI office.

Source: ABS-CBN